Hugas kamay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may alam sila sa isyu na ilang mga dayuhang bansa ang nagbigay ng impormasyon sa listahan ng mga opisyal na nasasangkot sa iligal na droga.
Nilinaw ni PDEA Director General Aaron Aquino, nang umupo umano siya sa puwesto hawak na ng ahensiya ang intelligence reports kaugnay sa mga tinaguriang narco-politicians.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang international community ang nagbigay ng wiretapped information ukol sa mga politicians na iniuugnay sa iligal na droga.
Giit naman ni Usec. Aquino, wala siyang alam kung idinaan sa wiretapping o kung iba pang diskarte ang pamamaraan sa pagkuha ng report sa narco list.
Ang ginagawa raw ngayon ng PDEA ay i-revalidate ang intelligence report ng ilang beses.
Sinasabing sa sunod na linggo ay ilalabas na raw ng mga otoridad ang narco-list na kinapapalooban umano ng 82 mga personalidad kung saan 64 sa mga ito ay kandidato sa midterm elections.
Tumanggi namang pangalanan ng PDEA ang natukoy din na “anim o pitong congressmen” na nasa narco list.