-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpaabot ng pasasalamat si Kabacan Cotabato Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa ATI XII, DA XII, OPVET, sa pag-abot ng tulong at impormasyon sa mga magbababoy ng bayan na ASF Free Barangay ang naging partisipante.

Ayon kay Mayor Guzman, malaki ang tulong na ito upang mapanatili ang bilang ng mga ASF Free Barangay na mapanatiling ligtas sa ASF.

Samantala, inaasahang ngayong lingo iaabot ang tulong-pinansyal ng lokal na pamahalaan ng Kabacan sa pangunguna ni Mayor Guzman sa mga Non PCIC Beneficiary sa bayan na naapektuhan ng ASF.

Samantala,naghandog ng pasasalamat si 602nd Brigade Commander Col Jovencio F Gonzales kay Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa suporta ng alkalde sa mga gawain ng kasundaluhan.

Ayon kay Gonzales, malaki ang tulong suporta ng mga local chief executive sa panawagan ng mas mapayapang pamayanan.

Siniguro naman ni Mayor Guzman na hindi ito magsasawang maglaan ng ano mang tulong sa usapin ng kapayapaan lalo pa’t aniya sa kapayapaan ay muling umunlad ang bayan ng Kabacan.