-- Advertisements --

Nagsagawa ng information drive ang lokal na pamahalaan ng Quezon City para sa mga kababayan nating persons with disabilities (PWD) sa covered court ng Tandang Sora National High School sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Layunin nito na ipaalam sa mga naturang indibidwal ang kanilang karapatan at ang mga umiiral na polisiya’t programa ng pamahalaang lungsod na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Itinuro din sa mga PWD ang mga benepisyo na kaanilang matatanggap mula sa pamahalaang lungsod na kanilang maa-access sa pamamagitan ng pagpaparehistro at pag-avail ng kanilang QC-PDAO identification card mula sa PDAO maain office.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10754, ang “Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability,” ay binibigyan ng pamahalaang lungsod ang mga PWD ng mga benepisyo tulad ng educational assistance, paggamit ng mga express lanes, 20% discount at VAT expemption sa mga partikular na goods at services.

Ipinapatupad din ng lokal na pamahalaan ang Resolution No. 5906, Series of 2014, na nagfa-facilate naman sa mga appointments ng PWD focal persons bilang mga coordinator ng PDAO ng bawat barangay sa lungsod.

Binibigyang prayoridad din ng lungsod ang implementasyon ng Ordinance no. 2940, Series of 2020 na nagbibigay ng incentives sa mga establisiyemento na tumatanggap ng mga empleyadong PWD at senior citizen.

Ipinaalam din sa mga ito ang QC Center for Children with Disabilities (QC CCD) o ang “Kabahagi Center” na nakatuon naman sa pagtulong sa mga kabataang may kaapansanan at ang kanilang mga pamilya.