-- Advertisements --

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development ang kabuuang P3.25 million pesos na halaga ng humanitarian assistance sa 4,562 na pamilya sa rehiyon na apektado ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.

Inihayag ni Regional Director Shalaine Marie Lucero na ang naturang pagsabog ay nagresulta apektadong mga pamilya na nasa kabuuang 6,828, as of June 9.

Sinabi pa ni Lucero na nananatili pa rin ang mga tauhan ng ahensya sa lugar upang tulungan ang lokal na pamahalaan at tiyakin ang kaligtasan at tugunan ang pangangailangan ng mga internally displaced persons.

Samantala, ibinunyag ni Dr. Elmer Empiales, Public Information Officer ng Incident Command System na kasabay ng pagbisita ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kaninang umaga ay napagkasunduan ang pagsagawa ng information education campaign hinggil sa volcanic eruption.

Sinabi pa ni Dr. Empiales na sa pagpupulong kasama ang incident management team ay natalakay din ang pagkakaroon ng isang estratehiya na may komunikasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan, PHIVOLCS at Office of the Civil Defense.

Dagdag pa nito na sa rekomendasyon, kadalasan aniya ay aabot pa ng isang buwan bago papayagang makabalik ang mga residente sa permanent danger zone at ibaba ang alert level kapag normal na ang maobserbahan sa bulkan.

Binigyang-diin naman nito na “prepared for the worse” naman umano sila dahil may mga naka-preposition na pagkain at mga sasakyang pwedeng gamitin sa paglikas ng mga residente, gayunpaman, mangangailangan pa rin umano sila ng ayuda mula sa nasyonal, regional at maging sa provincial.