-- Advertisements --
Umaabot na sa P8,473,811,685.78 ang halaga ng mga imprastrukturang sinira ng bagyong Rolly.
Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama sa mga rehiyong nagtala ng mga infrastructure damages ang Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VIII, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.
Ayon sa NDRRMC, kabuuang 44,033 kabahayan ang nasira sa Region V, MIMAROPA maging sa CAR.
Samantala, umaabot na sa P2,936,171,400 ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyong Rolly sa sektor ng agrikultura.
Kabilang dito ang mga pinsala sa crops, livestock, fisheries at agricultural facilities sa Regions V, VIII, CALABARZON at MIMAROPA.