DAVAO CITY – Apektado ngayon ang mga major infrastructure projects sa buong Davao Region dahil sa ipinapatupad na ban ng COMELEC, bukod pa sa antalang idinulot ng delay sa approval ng 2019 proposed national budget.
Sa ilalim ng COMELEC Resolution No. 10429, o Omnibus Election Code (OEC), kailangan na isuspende ang pagpapalabas ng pondo at ihinto pansamantala ang construction ng public works mula Marso 29 hanggang Mayo 12, 2019.
Ayon kay DPWH 11 spokesperson Dean I. Ortiz na nasa 1,230 projects, na nagkakahalaga ng P455 billion base sa National Expenditure Program (NEP), ang pansamantalang ipinahinto dahil hindi kaagad naipasa ang 2019 proposed national budget.
Kabilang sa mga naka-hold na proyekto sa ngayon ay mga kalsada, tulay, major flood control projects, at iba pang public buildings.
Nilinaw naman ni Ortiz na kahit maagang naaprubahan ang national budget, sakop pa rin ng COMELEC ban ang nasabing mga proyekto, na maari lamang ipagpatuloy pagkatapos ng halalan.