-- Advertisements --

Umabot na sa P4.5 billion ang halaga ng danyos ng imprastraktura dulot ng nagdaang bagyong Paeng base sa talaan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa report ng kagawaran, nasa 800 damaged infrastructures ang naitala mula sa Region 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 10, 11, 12, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Ang Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamalaking danyos sa imprastraktura na mahigit P1.2 billion.

Ito ay sinundan nga Mimaropa na may mahigit P997 million, Bicol region na mahigit P793 million.

Samantala, nakapagtala ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P2.9 billion na production loss o cost of damage sa sektor ng agrikultura mula sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 9, 10, Bangsamoro Region, at CAR.

Ang pinakamaraming pinsala sa agrikultura ay naitala pa rin sa Bicol region na nagkakahalaga ng mahigit P924 million.

Sumunod naman ang Calabarzon na may mahigit P726 million na halaga ng pinsala, at Central Luzon na may mahigit P430 million.

Napag-alaman na nananatiling 156 ang bilang ng mga namatay dahil sa “Paeng,” 37 ang missing habang 141 ang sugatan.