-- Advertisements --

Tinatayang aabot na sa USD10 billion ang halaga ng mga nasirang infastracture sa Ukraine simula nang salakayin ito ng Russia.

Ayon kay Infastructure Minister Oleksander Kubrakov, karamihan sa mga ito ay kayang kumpunihin lamang sa loob ng isang taon, habang ang iba naman pahirapan talaga ang repairing na posibleng tumagal sa loob ng dalawang taon.

Dagdag pa ni Kubrakov, nasa 40,000 mamamayan ang nailikas na mula sa easter city ng Kharkiv.

Ngunit ayon naman kay Interior ministry official, Vadym Denysenko, nasa 4,000 na mga sibilyan pa rin ang kinakailangan na mailikas mula sa labas ng kabisera ng Kyiv.