Panibagong tagumpay na naman ang nakamit ng Ingenuity helicopter ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) dahil sa ikalawang paglipad nito sa planetang Mars sa 18th Martian Day ng experimental flight test window nito.
Tumagal ang paglipad ng Ingenuity ng 51.9 seconds, bahagyang mas mahaba sa naging unang paglipad nito noong Abril 19.
Isa sa mga pagsubok na kailangang lagpasan ng nasabing helicopter sa red planet ay ang higher maximum altitude, longer duration at sideways movement.
Ayon kay Bob Balaran, chief engineer ng Ingenuity Mars Helicopter sa Jet Propulsion Laboratory ng NASA sa Southern California, base raw sa engineering telemetry na kanilang natanggap at inaral ay makikita na naabot ng Ingenuity ang flight expectations sa paglipad nito, gayundin ang accuracy ng computer modeling ng mga eksperto.
Sa ikalawang flight test na isinagawa sa “Wright Brothers Field,” lumipad ang Ingenuity bandang alas-5:33 ng umaga o 12:33 pm local Mars time.
Sa pagkakataong ito ay naabot ng Ingenuity ang 16 feet o 5 metro ng surface sa Mars, kumpara sa 10 feet o 3 meters lang na naabot nito sa unang paglipad.
Tagumpay din na nagamit ng Perseverance rover ang MOXIE instrument nito para mag-generate ng oxygen mula sa carbon dioxied Martial atmosphere sa unang pagkakataon.
Patunay lang ito na posible ang human exploration sa red planet pagdating ng panahon.