Winakasan na rin ng New Orleans Pelicans ang pamamayagpag ng Utah Jazz na 10-game winning streak nang kanilang masilat sa overtime game, 138-132.
Nanguna sa opensa ng Pelicans si Brandon Ingram na amy career-high na 49 points.
Sumandal din ang Pelicans sa 11 straight points sa layups nina Derrick Favors at E’Twaun Moore na sinamahan pa ng pitong free throws.
Nagtapos si Favors ng 21 points, 11 rebounds at tatlong blocks laban sa kanyang dating team habang si Moore ay nagdagdag ng 16 points para sa New Orleans.
Sa ngayon ang Pelicans ay nanaig na sa 10 games mula sa huling 14.
Inaasahan na sa mga darating na aaraw ay lalakas pa raw ang koponan dahil sa inaahang debut ng NBA’s top overall draft choice na si Zion Williamson na ilang buwan na ring nagpapagaling mula sa injury.
Sa kabilang dako ang Utah star na si Donovan Mitchell ay napantayan ang kanyang career high na 46 points bago sumablay sa kanyang mga tira sa final minutes sa overtime.
Si Bojan Bogdanovic naman ay may 26 at si Rudy Gobert ay nagpakita ng 17 points, 14 rebounds.
Ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay merong 15 points.