-- Advertisements --

Isa sa mga lokal celebrities na si Iñigo Pascual ang naapektuhan ng wildfire sa Los Angeles, California.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya na lumikas siya kasama ang pamilya.

Nagpasalamat ito sa mga fans at kaanak na humingi sa kaniya ng update.

Ipinagdasal nito ang lahat ng mga naapektuhan ng sunog kung saan umaasa siya na matapos nawa ang kanilang pinagdadaanan.

Magugunitang aabot na halos 8,000 na mga hektarya ng lupain ang natupok na ng apoy sa Pacific Palisade at katabing lugar sa Los Angeles.