Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines na walang kinalaman sa pinalutang na new model agreement ng China kaugnay sa Ayungin shoal ang paghahain ng personal leave ni AFP Western Command chief, Vice Admiral Alberto Carlos.
Ito ang binigyang-diin ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla kasunod ng kaniyang pagkumpirma na nag-leave epektibo ngayong araw si Carlos.
Matatandaan na kamakailan lang ay tila nakaladkad ang pangalan ni Carlos matapos na palabasin ng China na sinang-ayunan umano ng Western Command ang “new model” agreement nito sa Ayungin shoal na may pahintulot umano ng mataas na opisyal ng naturang pamahalaan.
- Posibleng mga sundalong Chinese ang lulan sa mga militia vessels na nagpapanggap na mga mangingisda – PCG
- Chinese vessels sa West PH Sea, kumunti na habang papalapit ang pagtatapos ng Balikatan exercise – AFP
- Presensya ng 4 na barkong pandigma ng China sa Tawi-Tawi, innocent passage lamang – AFP
Ngunit paglilinaw ni Col. Padilla na walang kaugnayan sa naturang isyu ang pagli-leave ni Carlos.
Paliwanag niya, kailangan lang talaga magtalaga ng pansamantalang hahali sa kaniyang pwesto dahil kritikal ang nasasakupan nito.
Samantala, sa ngayon ay si Naval Education, Training and Doctrine Command Chief Rear Admiral Alfonso Torres Jr. muna ang pansamantalang hahalili kay Carlos bilang pinuno ng Western Command hanggang sa matapos ang kaniyang personal leave.