-- Advertisements --

Iniulat ng Philippine Embassy sa Cairo na pinalawig ng Pamahalaan ng Egypt ang deadline nito sa mga dayuhan na iligal na naninirahan sa naturang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng embahada na pinalawig ng 3 buwan ng Egyptian government ang ultimatum nito sa mga dayuhan na iligal na naninirahan doon para ayusin ang kanilang residency status.

Ito ay mula sa December 15,2023 deadline ay pinalawig ito ng March 15,2024.

Resulta nito, pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na iligal na naninirahan sa Egypt na ayusin na ang kanilang mga dokumento.

Ayon sa Philippine Embassy, dapat ding tiyakin ng OFWS sa Egypt na nasa kanilang pag-iingat ang kanilang passport at huwag hahayaan na kunin ng kanilang employers o sponsor ang kanilang pasaporte.