Kinundena ng National Security Council (NSC) ang inilabas na video na umano’y nag-uugnay kay PBBM sa paggamit ng iligal na droga.
Ayon kay NSC Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya, ito ay malinaw na gawa-gawa lamang at isang malisyosong panloloko sa mga mamamayan.
Malinaw din aniyang ginamitan ang naturang video ng teknolohiya at ‘stage management’ para lang makagawa ng isyu.
Nagpapakita aniya ito kung gaano ka-desperado ang mga indibidwal na sirain at tangkaing i-destabilize ang administrasyong Marcos.
Ikinabahala naman ng opisyal ang aniya’y kalkuladong pagtatangka na bahiran ang imahe ng pangulo, lalo na at inilabas ito bago pa ang kanyang ikatlong SONA.
Nakahanda rin aniya ang NSC laban sa mga ganitong uri ng pananabotahe para lamang bahiran ang record ng kasalukuyang administrasyon.