-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot na sa halos tatlong bilyong piso na ang insiyal na danyos sa imprastraktura at agrikultura dito sa Ilocos Norte matapos ang pananalasa ng Bagyo Egay.

Sa imprastraktura lamang ay 2 billion, 845 million, 660 thousand, 900 pesos ang initial damage kasama na rito ang mga nasira sa Laoag International Airport, kalsada, tulay at flood control, pati na rin sa mga buildings sa lalawigan.

Sa sektor naman ng agrikultura ay aabot na sa 361 million, 39 thousand, 106 pesos ang inisyal naman na halaga ng mga nasira kabilang na ang palay, mais, high value crops, agricultural infrastructure at livestock and poultry.

Ayon kay Gov. Matthew Marcos Manotoc, aabot rin sa 233 na barangay ang apektado kung saan 16,879 na pamilya o 59,624 na mga indibiduwal; at aabot rin sa 1281 ang partially damaged na mga bahay at 96 ang totally damaged.

Maliban dito, aabot na rin sa apat na katao ang namatay dito sa Ilocos Norte dahil sa pananalasa ng malaks na bagyo.

Samantala, mayroon namang 8,304 na food packs ang una nang naipamahagi sa mga resideteng apektado at nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang relief operations sa mga nasalanta.