-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Science and Technology (DOST) na nakumpleto na nito ang paggawa sa mga specimen collection booths na ilalaan para sa testing efforts ng Pilipinas para sa coroanvirus disease (COVID-19).

Ayon kay DOST Sec. Fortunato Dela Peña, nagawa na nila ang inisyal na batch ng 132 specimen collection booths (SCB) na dadalhin sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Kinokompleto na lang ang transportation ng 132 specimen collection booths na pinagtulungang gawin at i-suplay ng ating Philippine Council for Industry and Energy Research and Development (DOST-PCIEERD) at Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD),” wika ni Dela Peña.

Sa kasalukuyan, mayroong 23 coronavirus testing centers sa buong Pilipinas.

Sinabi pa ng kalihim, humingi raw sa kanila ng 2 units ng SCBs ang Philippine Coast Guard (PCG) na ilalagay sa kanilang mga quarantine centers kung saan dumadaan ang mga Pinoy na nanggagaling sa ibang lalawigan.

Dagdag pa ni Dela Peña, 30 manufacturers ang nag-download ng design ng collection booths na inaprubahan ng gobyerno.

“Katulad nga nung aming isang setup beneficiary sa La Union…ay gagawa sila ng 9 na specimen collection booth at pagtutulungan nilang gastusan ng DOST at ng mismong kumpanya para i-donate sa 9 na hospital sa Region 1,” anang opisyal.

Una nang sinabi ni Dela Peña, maaaring ma-download at magamit nang libre ang SCB design ngunit kinakailangang sumunod ng mga fabricator sa