-- Advertisements --
House of Representatives

Sinimulan na ng Special Committee on Creative Industries and Performing Arts ang unang deliberasyon kaugnay ng pagpapalawig ng creative economy sa bansa.

Ito ay upang mas mabigyang pansin ang performing arts sa Pilipinas at mapakilala pa maging sa ibang bansa.

Ayon kay Pangasinan 4th District Representative Christopher De Venecia, target ng bansa na maging no.1 ang Pilipinas sa ASEAN pagdating sa creative economy sa taong 2030.

Kasama ang iba’t ibang ahensya na maaaring makatulong sa pagbuo nito tulad na lamang ng National Commission for Culture and Arts kung saan higit na kailangan ang kanilang kaalaman sa creative industry, ang Department of Trade and Industry naman kung saan makatutulong ito kaugnay ng investments, pagbuo ng job opportunities at revenues, Philippine Statistics Authority, maging ang National Economic and Development Authority at iba pa.

Sa pagtutulongan nitong bawat ahensya ayon pa kay Representative De Venecia, makakabuo ng kumpleto, detalyado at magandang plano.

Samantala, nabuksan naman ang usapin patungkol sa kakulangan ng interes ng mga tao sa panonood ng performing arts.

Hindi umano kikita pagdating sa mga tickets, dahil walang nais na gumastos kahit na 200 pesos, para lamang manood.

Dumarami lang raw ang mga nanonood kapag free ang admission.

Iminungkahi naman sa naganap na committee hearing ang principle marketing strategy umano na dapat pairalin ay una, kailangan ng tao na maging familiar dito ng hindi gumagastos dahil kapag ang unang experience nila ay naging maganda, ang mga susunod nito ay nanaisin na nilang manood kahit na may bayad pa.

Ang panonood raw ng mga tao ay nakadepende parin sa gusto nilang mapanood kaya kinakailangan rin daw na ito ay relevant, timely at makakarelate ang manonood.