Sinimulan na ng house committee on welfare of children ang inisyal na deliberasyon kaugnay ng mga nais na bagohin sa ilang batas upang mas mabigyang proteksyon pa ang mga kabataan.
Kabilang sa inihaing panukalang batas ay ang House Bill 226 kung saan ito ay naglalayong mas maging mahigpit ang parusang ipapataw sa mga nang aabuso, nananamantala at nagdidiskrimina sa mga kabataan, babagohin nito ang Republic Act 7610.
Pangalawa ay ang House Bill 5140 at
kasama rin sa inihaing panukala ay ang House Bill 2747 o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at ang panghuli ay ang House Bill 5934 na babagohin ang Section 5 ng parehong batas na nabanggit.
Ayon kay Child Rights Network representative Rom Dongeto, maraming bilang ng mga kabataan sa Pilipinas ang apektado ng karahasan, mapa physical, psychological at sexual violence man.
Kaya naman aniya, ang pagbabago raw ng batas ay kinakailangan upang ito ay makasabay sa pagbabago ng tao at aksyon nito.
Ang mga panukalang ito ay suportado naman ng ilang mga organisasyon para sa kabataan ngunit, nagbigay ang mga ito ng ilang mga suhestiyon upang mas mapagtibay pa ang panukalang batas.
Nais rin nila na pag aralang mabuti at tingnan ang mga posibleng epekto ng pagpataw ng parusa sa mga magulang o guardian ng isang bata dahil malaki ang papel na ginagampanan nito sa development ng kanilang mga anak.
Ayon pag aaral ng United Nations International Children’s Emergency Fund Philippines, nasa walongpung porsyento ng mga kabataang Pilipino ang nakakaranas ng karahasan sa bahay, paaralan, komunidad at maging online.
Sa dumarating bilang ng karanahasan ay patuloy na pinagsisikapan ng mga mambabatas ang pagbuo ng mga batas upag paigtingin ang proteksyon sa kabataan.