ILOILO CITY – Umaabot sa P8 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa agrikultura ng Super Typhoon Egay at enhanced southwest monsoon sa Western Visayas.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ms. Cindy Ferrer, spokesperson ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Office VI, sinabi nito na malaking porsyento ng pinsala sa agrikultura ang dahil sa pagbaha at ipo-ipo.
Maliban sa pinsala sa agrikultura, umabot sa P1.5 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa imprasktraktura.
Aniya, ang nasabing data ang inaasahan pang tumaas dahil patuloy pa ang konsolidasyon.
Samantala, umabot naman sa 288 na mga barangay sa rehiyon ang apektado ng Super Typhoon Egay at enhanced southwest monsoon.
Patuloy rin ang verification sa pagkamatay ng dalawang indibidwal sa Negros Occidental at Bacolod City.
Dalawa namang indibidwal ang nasugatan sa lalawigan ng Aklan.