-- Advertisements --

Inilabas ng National Transportation Safety Board (NTSB) ang inisyal na imbestigasyon sa United Airlines flight 328 na nakaranas ng engine failure.

Ayon sa NTSB na ang inlet at cowling ng PW4000 engine ay naghiwalay kung saan nabali ang dalawang fan blade nito.

palne

Pinag-aralan nila ang eroplano mismo, mga larawan at video na kuha ng mga pasahero, flight data at ang cockpit voice recorder na naipadala na sa Washington.

Kasama ng NTSB ang Federal Aviation Administration, United Airlines, Boeing, Pratt and Whtiney, Air Line Pilots Association at Independent Brotherhood of Teamsters.

Magugunitang galing sa Denver patungo sana sa Honolulu ang Boeing 777 ng biglang nasunog ang kanang makina nito na nagdulot sa pagkahulog ng mga debris sa mga kabahayan sa northern Colorado.

Dahil sa insidente ay grounded na ang lahat ng mga Boeing 777 na may makinang PW4000 habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon.