-- Advertisements --

Umaabot na sa P717,500 ang halaga ng pinsala dulot ng El Niño phenomenon sa pagsisimula ng rice planting season ayon sa ulat mula sa Department of Agriculture (DA).

Sa inilabas na unang El Niño bulletin ng DA, iniulat nito na inisyal na naapektuhan ng naturang weather phenomenon ang 22.3 ektarya ng pananim na palay at kabuhayan ng 22 magsasaka sa southern province.

Inaasahan pa na tataas pa ang naturang halaga kasabay ng pagdating pa ng mga data assessment mula sa ibang mga rehiyon.

Kaugnay nito, patuloy ang kanilang pagpapakalat ng impormasyon at mga abiso para sa mga magsasaka na maaapektuhan ng El Nino.

Sa kasalukuyan ayon sa state weather bureau, nasa 8 probinsiya sa Luzon ang nakakaranas ng tagtuyot dala ng below normal rainfall condition sa nakalipas na 5 buwan na o mas mababa pa sa normal na pag-ulan sa 3 sunod na buwan.

Kabilang dito ang Apayao, Bataan, Cagayan, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga, Palawan, at Zambales