-- Advertisements --
cropped DICT 1 2

Nakakita ng pagtaas ng 8.4% o 121,000 full-time employees (FTEs) sektor ng IT-Business Process Management sa Pilipinas para sa taong 2022 na may 1.57 milyon sa kabuuang bilang ng mga empleyado.

Nakita rin ng industriya ang paglago ng 10.3% sa mga kita upang umabot sa kabuuang $32.5 billion noong nakaraang taon, na lumampas sa kinita noong 2021 na 29.5 billion.

Nakiisa si Department of Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa organisasyon sa paggunita sa mga tagumpay na ito at inilatag ang kanyang mga plano upang mapanatili ang paglago sa sektor ng IT-BPM.

Binigyang-diin ni Uy na ang training at professional development initiatives ng naturnang departamento para sa workforce, at local government units, ay naglalayong magbigay ng basic digital literacy at intermediate Information and Communications Technology skills training sa mamamayan ng Pilipinas.

Sa ngayon, ang Department of Information and Communications Technology ay patuloy na bumubuo ng mga programa para sa ikabubuti ng paglago ng teknolohiya ng bansa.