Pinuri ng Philippine National Police (PNP) ang inisyatiba ng mga kandidato nalalapit na 2022 national and local elections na boluntaryong sumailalim sa drug test.
Ayon kay PNP chief Police General Dionardo Carlos, idodokumento nila ang mga resulta ng drug test at mabuting nagsisilbing halimbawa ang mga kandidato.
Pero hindi aniya nito mapipigilan ang PNP na magdagawa ng imbestigasyon sakaling may impormasyon na mag-uugnay sa isang kandidato sa illegal drug trade o ang paggamit ng illegal drugs.
Muling iginiit ng PNP na walang requirement para sa mandatory drug test sa lahat ng kandidato, ngunit susuportahan ito ng organisasyon kapag ipinatupad.
Siniguro naman ni Carlos na handang tumulong ang PNP sa pamamagitan ng kanilang Forensic Group.
Ilan sa mga kandidato ay dumulog na sa PDEA para sumailalim sa drug test.