-- Advertisements --

Muling siniguro ni Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kamara ang suporta nito sa mga inisyatibo ng Marcos Jr., administration na layong tulungan ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang produksiyon.

Ito’y matapos samahan ni Speaker si Pangulong Ferdinand Marcos sa turnover ng nasa 148 newly-acquired heavy equipment na nagkakahalaga ng P782 million para sa National Irrigation Administration at Construction City sa Mexico, Pampanga kaninang umaga.

Ang pagkuha sa mga bagong excavators, trailer trucks, at dumpers, ay ang pangalawang tranche ng NIA’s 3-Year Refleeting Program na gagamitin para sa operation ang maintenance ng irrigation systems sa buong bansa para tulungan ang mga magsasaka na palakasin ang kanilang produksiyon.

“The House of Representatives stands firmly behind President Marcos Jr.’s vision of a more productive and resilient agricultural sector. Our farmers are the backbone of our nation, and it is our duty to provide them with the necessary support to thrive,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Nabanggit ni Speaker ang kahalagahan ng agricultural sector upang masiguro ang food security, makamit ang sustainable growth at mapabuti ang hanapbuhay ng mga magsasaka. 

Sisiguraduhin ni Speaker na sa panukalang P6.352 trillion na pambansang pondo, magkakaroon ng alokasyon para palakasin ang irrigation systems ng bansa.

Ayon naman sa Department of Budget and Management, nasa P42 billion ang inilaan 

para sa 2025 para mapabuti ang irrigation system.

Tiniyak din ni Speaker na maglalaan din sila ng pondo para sa pagbili ng mga bagong equipment na gagamitin ng NIA.