-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng tulong pangkabuhayan na may kabuoang halagang P136,000.00 ang 68 na benepisyaryo ng Serbisyong Totoo Entrepreneurial Program (STEP) mula sa F. Cajelo, Pres. Roxas Cotabato kasabay ng isinagawang caravan bilang bahagi ng pinalakas na inisyatibong pangkapayapaan sa probinsya ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza.

Ito ay alinsunod sa whole-of-nation approach ng nasyunal na pamahalaan o mas kilalang programa ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nagbigay din ang Department of Trade Industry (DTI) Cotabato ng Bigasan Starter Kits o 18 sako ng Jasmine Rice, 3 weighing scales at 6 latons para sa tatlong pre-assessed beneficiaries sa nasabing barangay bilang ayuda sa kanilang maliit na negosyo.