Dapat na umanong asahan ng publiko na aabot sa 40 degrees Celsius ang init pa ng panahon pagsapit ng dry season o ang tawag sa iba ay summer season.
Sinabi ngayon ni Ana Solis, chief ng Pagasa Climate Impact Monitoring and Prediction Section, partikular na mararanasana ng 40 degrees Celsius lalo na sa northern Luzon area kasama na ang lalawigan ng Cagayan at sa bahagi ng Tuguegarao.
Magpapadagdag pa raw sa extreme heat ang maalinsangan na panahon at ang human heat index.
Kaya naman ngayon pa lamang ay patuloy na ang babala ng mga eksperto sa inaasahang epekto sa kalusugan ng tao ang papasok na tag-init na sinabayan din ng El Nino phenomenon.
Una na ring sinabi ng ilang scientist na moderate El Nino phenomenon.
Sa susunod na linggo ay magpapalabas ng assesment ang Pagasa at sa bago pa nilang data na dapat asahan sa papasok na anim pa na buwan.