-- Advertisements --
Kamara, nakapag-ipon ng P35 million na donasyon para sa mga biktima ng  bagyong Paeng - Bombo Radyo News

Patuloy sa pagtaas at paglawak ang iniwang pinsala ng nagdaang bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura na umaabot na ang halaga sa katumbas na P1.33 bilion.

Ito ang lumabas sa latest estimates ng Department of Agriculture (DA) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center.

Sa latest bulletin kasama na ang pagtaya sa production losses na umaabot sa 66,693 metric tons (MT) at damage sa 64,607 hectares ng agricultural areas lalo na sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at sa Soccsksargen area.

Kaugnay nito, nasa 53,849 na mga magsasaka rin at mangingisda ang naapektuhan ng kalamidad.

Karamihan naman sa pinsala rin ay naitala sa mga palayan na umaabot na sa kabuuang pagkalugi ng P1.23 billion.

Sa high-value crops ang damage ay naitala sa P60 million, sinusundan sa pangisdaan na nasa P16 million, pananim na mais na nasa P5.59 million, at pagkasira sa mga livestock at poultry na nasa P1.92 million.

Tinataya naman na ang pinsala sa agricultural infrastructure ay nasa P20.6 million, na kinabibilangan ito ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, isang Regional Fruit Nursery, at Agricultural Research and Experiment Station na hindi rin pinaligtas ng bagyong Paeng.

Tiniyak naman ng Depart. of Agriculture na meron silang ipapamahaging ayuda sa mga apektadong magsasaka at mangingisda tulad na lamang sa bigas, mais, vegetable seeds, at pangangailangan sa livestock at poultry.

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) naman ay merong fingerlings assistance para sa iba’t ibang mga mangingisda.

Doon sa mga apektadong magsasaka ay maaaring makinabang sa P25,000 loan mula sa programang Survival and Recovery (SURE) Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council (ACPC), gayundin merong Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar sa bansa.