-- Advertisements --
Pastor Joel Apolinario
KAPA founder Pastor Joel Apolinario (video grab from Facebook live)

GENERAL SANTOS CITY – Hindi kinatigan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 35 ang petisyon ng Kabus Padatoon (KAPA) na injunction laban sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Ito’y dahil sa isinasagawang operasyon ni KAPA founder Joel Apolinario na “investment in form of donation.”

Base sa website ng SEC na may petsang July 17, inilabas ni Presiding Judge Oscar Noel Jr., ang naturang order matapos ang judicial notice na ipinalabas sa operasyon ng KAPA.

Napag-alaman na noong April 4 nag-file ng petisyon ang KAPA matapos magpalabas ang SEC ng cease and desist order dahil sa patuloy na iligal na operasyon.

Ang RTC 35 GenSan ang inisyal na naglabas ng writ of preliminary injuction noong April 10, 2019, pero iginiit ng SEC na ang korte ay walang hurisdiksyon sa nasabing usapin.

Batay sa Section 179 ng Republic Act 11232 o Revised Corporation Code of the Philippines, ang lower court na mas mababa sa Court of Appeals ay walang hurisdiksyon sa mga usapin ng komisyon.

Napag-alaman na kinasuhan ng SEC at Department of Justice sina Joel at Reyna Apolinario at ilang mga opisyal ng KAPA kung saan sa dalawang hearing ay no show ang mga respondents.

KAPA JOEL APOLINARIO 2
KAPA founder Pastor Joel Apolinario