BACOLOD CITY – Nagbanta ang nahalal na presidente ng Yanson Group of Bus Companies na makakarating sa Korte Suprema ang kaso kahit pa ibasura ng Regional Trial Court ang hiling ng kanyang kampo na preliminary injunction.
Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Roy Yanson na nakahanda na ang kanilang panig na iakyat sa Court of Appeals ang kaso sakaling matalo sa mababang hukuman.
Tiyak din daw kasi na ito ang gagawin bilang depensa ng kanyang kapatid.
Kasabay nito, nanawagan ang panganay na Yanson sa mga kapatid na pag-usapan ang kanilang away pamilya at huwag ng hintayin ang desisyon ng korte.
Naniniwala rin ito na ang kanilang ina na si Olivia Yanson ang makakaresolba sa gusot sa pamilya.
Nauna ng nagpasaring sa kanyang ina ang bagong presidente ng bus company na huwag pairalin ang favoritism sa kanilang magkakapatid, at tumulong sa pagbabati nila.
Sa ngayon, nakabinbin pa rin sa RTC Branch 53 ang injuction ng parehong hampo nina Roy at Leo Rey na dating presidente ng kompanya.