Tinulungan ng Philippine Coast Guard ang isang Chinese national na aksidenteng nahulog habang sakay ng Chinese vessel na “Shi Dailo,” sa kalapit na karagatan ng Zamboanga City.
Dahil sa naturang aksidente, nagkaroon ng pinsala sa kanyang ulo ang naturang Chinese National.
Ayon sa National Maritime Center humiling ang barko ng medical evacuation dahil inaasahang dadaan ito sa Zamboanga City.
Kaagad naman na pinakalat ng PCG ang BRP Capones (MRRV-4404) para isagawa ang operasyon.
Pagdating sa Ben Go Wharf, inilipat ng PCG ang pasyente sa isang land vehicle na naghatid sa kanya sa pinakamalapit na ospital.
Habang isinasagawa, nilinis ng Coast Guard medical personnel ang kanyang sugat at sinusubaybayan ang kanyang vital signs.
Kaugnay nito ay umani naman ng samut-saring reaksyon ang ginawang ito ng PCG mula sa publiko.
Paliwanag naman ng PCG na ang kanilang ginawa ay pagpapakita lamang ng mga Pilipino ng pagkamakatao sa oras ng krisis at espiritu ng pagbabayanihan .