Ipinagmalaki ngayon ni DOH Sec. Francisco Duque III ang malaking pagbababa ng bilang ng mga sugatan dahil sa paputok kasabay nang pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa kalihim 85% na mababa ang mga nagkaroon ng injury ngayon na 50 lamang sa buong bansa kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 290 sa kaparehong panahon.
Kung pagbabasehan naman ang limang taon na average mula taong 2015, mababa pa rin ito ng 89%.
Iniulat pa ni Sec Duque na sa 50 mga sugatan, 49 dito ang mga fireworks related injuries habang isa ang tinamaan ng stray bullet.
Gayunman, hindi pa nakarating sa DOH ang data mula sa PNP ukol sa kompletong mga tinamaan ng ligaw na bala.
Todo naman ang pakiusap ni Duque na magtungo sa mga ospital ang nagkaroon ng mga sugat upang maiwasan ang tetano.
Sa January 6 magtatapos ang pagtala ng DOH sa mga sugatan dahil sa mga paputok.
Isinabay na rin ni Duque ang pagpapasalamat sa media sa tulong sa kanilang kampanya sa iwas paputok, LGUs at ang epekto ng krisis sa pandemya kaya bumaba ang mga sugatan.
“The lower numbers we achieved this year is a welcome development, but we will not stop until we achieve zero firework related injuries and ensure that the next holidays will be safer for every Filipino,” ani Sec. Duque. “We have also observed that there was a change of behavior of Filipinos towards health. Due to the pandemic, the Filipinos became more aware and involved in ensuring health and safety of their family and community. This decrease is also the success of all the families who follow the government’s prescribed protocols and instill good values to their children. We shall continue to create healthier and safer communities.”