Lalo pang dumami ang bilang ng mga Dallas Mavericks player na may injury matapos madagdag sa listahan si Maxi Cleber, ang reserve center ng 2024 Western Conference champion.
Sa naging laban ng Dallas at Boston Celtics nitong lingo, Jan. 26, na-injure ang kanang paa ni Kleber sa 3rd quarter at hindi na bumalik pa sa paglalaro.
Una nang nasa injury list ang iba pang starter ng Mavs na kinabibilangan nina Dereck Lively II, Dwight Powell, at reserve forward, Naji Marshall.
Pangunahin sa injury list ng Dallas ay ang superstar nitong si Luka Doncic na hindi na nakapaglaro mula noong na-strain ang kaniyang binti noong December 25, 2024.
Mula nang magsimula ang 2024-2025 season, 24 games nang hindi nakapaglaro si Doncic.
Sa kabila nito, nananatiling above .500 ang Dallas Mavericks sa kartadang 24 – 22 win-loss record.
Sa kasalukuyan ay pang-siyam ito sa Western Conference.