GENERAL SANTOS CITY – Nagkukumahog ang mga nakilahok sa inland at fluvial procession ng Santo Niño dito sa lungsod ng Heneral Santos.
Maaga pa sinimulan ang procession sa Sarangani Bay na sinalihan ng daan-daang mga sasakyang pangisda.
Ang mga bulaklak na nakapalibot sa Santo Niño ang inaasam-asam ng mga deboto na makuha dahil sa paniniwala na lunas umano sa sakit o iba pang mga karamdaman.
Ayon kay Fr. Vincent Roy Delsol, isa sa mga deboto ng Santo Niño na overwhelming ang partisipasyon ng mga tao.
Hiniling nito ang mga tao na dapat ipakita na hindi isang palabas ang fluvial procession bagkos simula na maging malapit sa Diyos.
Napag-alaman na may 11 misa isinagawa na dinagsa ng maraming tao.
Tinapos ang taunang selebrasyon kagabi sa pamamagitan ng Sinulog activity.
Matatandaan na sinimulan ang mga aktibidad sa inland procession nagdaang linggo at isinagawa naman ang fluvial procession kahapon.
Ang taunang selebrasyon na ito ay pasasalamat ng mga residente sa abunda na ani ng kanilang pangisda.