DAVAO CITY – Temporaryo na ipinasira ang mga beach at inland resort sa lungsod simula bukas Abril 1 hanggang 4 kasabay ng semana santa.
Ito ay base sa inilabas na Executive Order ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio kung saan kailangan muna na ipasara ang mga beach resorts sa siyudad para maiwasan ang social gathering ngayong semana santa at pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong lugar.
Una ng sinabi ng mga otoridad na aasahan ang pagdagsa ng mga tao na maliligo sa mga dagat pati na ang mga magsasagawa ng leisure activities dahilan na mahigpit nilang imomonitor ang mag resorts.
Inihayag rin ni Mayor Inday na ginagawa ngayon ng lungsod ang lahat para lamang maiwasan ang second wave lalo na at bumaba na ang bilang ng mga naitalang active cases sa lungsod.