CEBU CITY – Patuloy na inaalam ng pamunuan ng Manadue City Jail kung binaril o sinaksak ang isang inmate na namatay.
Kinilala ang biktima na si Romy Ramas, 33-anyos na residente ng Barangay Ermita sa Lungsod ng Cebu, at nabilanggo ito noong 2017 dahil sa illegal drugs.
Ayon kay Assistant Jail Warden, Mark Toñacao, tinawagan na lang siya at ipinaalam ang nangyari sa nasabing inmate.
Basi sa imbestigasyon, naglalaro lang ng basketball ang biktima sa loob ng piitan at wala namang nangyaring komosyon.
Ngunit sinasabing inatake ito ng kanyang kasamahan at doon na nangyari ang pagpatay.
Ayon naman sa isang residente na nakatira malapit sa pasilidad, nakarinig ito ng putok.
Napag-alaman na ang napatay ay tauhan daw ng big time drug lord ng Talisay City, Cebu na si Steve Go na pinatay din sa loob na parehong piitan.
Naka-red alert na ang Mandaue City Jail at sinuspinde muna ang pagtanggap ng mga dalaw.