ROXAS CITY, CAPIZ – Nahuli sa akto na gumagamit ng hini-hinalaang iligal na droga ang 32-taong gulang na inmate sa loob ng kanyang selda sa Capiz Rehabilitation Center (CRC).
Kinilala ang inmate na si alyas ‘Atong’, residente ng bayan ng Ivisan subalit nahuli sa bayan ng Pontevedra dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong taong 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Mr. Arjuna Yngcong, Provincial Jail Warden ng CRC, sinabi nito na nakita ng kasamahang inmate ni ‘Atong’ na ito ang gumagamit ng hini-hinalaang iligal na droga bandang 1:00 ng madaling araw.
Pinaalam naman ng nakakitang inmate ang nangyayari at nakuha sa posesyon ni ‘Atong’ ang 10 sachet ng suspected shabu.
Pahayag pa ni Yngcong base sa naging pahayag ng nahuling inmate, nakuha nito ang iligal na droga ng dumalo ito sa hearing ng kanyang kaso.
Sa ngayon, isinailalim na sa drug test si Atong at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad.
Kung maaalala sa mga nakalipas na buwan, tatlong inmate ang nagpositibo sa drugtest matapos narekober ang suspected shabu sa banyo ng selda ng nabanggit na jail facility.