-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology Iloilo District Jail Male dormitory sa Nanga, Pototan, Iloilo ang pagpositibo ng dalawang mga inmates sa isinagawang drug test.

Ito ay kasunod ng isinagawang drug testing sa lahat na mga inmates at maging sa mga personnel ng opisina.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Jail Chief Inspector Denver Beltran, warden ng pasilidad, sinabi nito na dalawang araw pa lamang na dumating ang mga inmates nang isinagawa ang drug testing.

Ang mga ito ay may kaso na paglabag ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasunod nito, muling isailalim sa drug test ang dalawang inmates pagkatapos ng tatlong buwan upang matukoy kung may iligal na droga pa sa kanilang sistema.

Sa kabila nito, ipinangako ng Bureau of Jail Management and Penology na patuloy ang ipinapatupad na mga programa upang maiwasan ang pagkasangkot ng mga inmates sa iligal na droga.