-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Pinasyalan ni Agriculture Secretary William Dar at DA-Cordillera Regional Director Cameron Odsey ang Benguet State University- Agribased Technology Business Incubator/Innovation Center.

Tiningnan ng mga opisyal ang kasalukuyang sitwasyon at potensial ng naturang pasilidad.

Ayon kay Director Ruth Diego, nakatutok ang pasilidad sa mga maliliit na magsasaka para magkaroon ang mga ito ng technical at entrepreneural skills sa panagnenegosyo.

Umaasa si Sec. Dar na lalo pang mapabubuti ang pasilidad para sa mga magsasaka sa lokalidad.

Sa ngayon ay sakup ng pasilidad ang 51 na smallholder farmers at bilang pioneer ng Agri-Aqua Technology Business Incubation ay tumutulong ito sa pagpapaunlad sa 14 na Agri-Aqua Technology Business Incubators sa bansa.