-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagsimula na ang inoculation ng Sinovac vaccine sa Iloilo City.

Pinakaunang naturukan ng bakuna ay si Dr. Ma. Sylvia Teresa de Pili, 52, chair ng Internal Medicine Department ng St. Paul’s Hospital Iloilo.

Sa ekskslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. De Pili, sinabi nito na nagdesisyon siya na magpaturok ng bakuna upang maproteksyonan ang kanyang pamilya.

Ayon kay De Pili, palagi siyang humaharap sa mga COVID-19 patients at kasama rin siya sa mga nalockdown sa loob ng St. Paul’s Hospital Iloilo.

Sa ngayon, wala namang nararamdanan ang doktor na side effects matapos naturukan ng bakuna.