Muling tiniyak ng DOTr na all set na sila lalo na operasyon muli ng MRT3, LRT1, LRT2 at PNR pagsapit ng Lunes, June 1.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade tatakbo na ang mga trains pero ang mga ito ay nasa reduced capacity muna dahil sa mga safety measures kaugnay sa COVID pandemic.
Dahil dito mag-iimplementa sila ng bus augmentation system.
Inanunsiyo ng DOTr na aabot sa 19 na trains ang tatakbo sa MRT3 lines simula sa darating na Lunes.
Ito ay matapos na pumayag na rin ang kompaniyang Sumitomo ng Japan na gamitin na ang mga tinatawag na Dalian trains na naunang inorder upang maibsan ang kakulangan ng mga masasakyan.
Sa panig naman ng LRT1 aabot sa 28 mga trains ang tatakbo.
Habang meron namang limang trains ang magagamit sa LRT2.
Samantala, nasa walo namang trains ang tatakbo sa PNR.