-- Advertisements --
LONDON, England – Agaw atensyon ngayon sa internet ang bagong diskubreng insekto na ipinangalan sa climate activist na Greta Thunberg.
Ayon kay Dr. Max Barclay ng Natural History Museum sa London, napagpasyahan ng grupo ng scientist na tawaging Nelloptodes Gretae ang isang uri ng salagubang.
Marami ang nakapuna sa antena ng insekto na maihahalintulad sa pigtail braids ng buhok nito.
Ang pagpapangalan kay Greta ay bahagi umano ng pagkilala sa agresibong kampanya ng 16-anyos para labanan ang climate change.
Matatandaang umagaw ng pansin ang matapang na talumpati ng dalagita para sa mga lider ng bansa na bigong makalikha ng kongkretong hakbang sa pagbabago ng panahon. (CBS)