Iginiit ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat may managot sa naganap na airspace shutdown ng Pilipinas noong Enero 1.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos na hindi isama ng Senate Public Service Committee ang anumang rekomendasyon na magsampa ng mga kasong kriminal o administratibo laban sa sinumang opisyal o empleyado sa ulat nito sa pagsisiyasat sa air traffic fiasco noong Araw ng Bagong Taon.
Idinagdag ng mambabatas na isang na imposibleng palitan ang mga kagamitan sa mga sistema ng komunikasyon, navigation, surveillance, air traffic management (CNS/ATM) nang walang maayos na mga pamamaraan sa maintenance.
Kamakailan, pinangunahan ni Senator Grace Poe ang committee report sa January 1 airspace shutdown investigation na ginanap ng Senate Public Services Committee.
Sa ulat nito, ibinukod ng komite ang sabotage at cyberattack, at iniugnay ang insidente sa pagkawala ng kuryente dahil sa ilang mga aberya sa kagamitan bago at sa panahon ng insidente, partikular na ang ang circuit breaker, at ang automatic voltage regulator.
Una ng natuklasan ng mga mambabatas na wala umanong ng wastong pagsasanay sa mga tauhan at kakulangan ng mga electrical engineers na susubaybay sa sistema ng air navigation sa paliparan.