-- Advertisements --

Ikinababahala ng pamunuan ng Bureau of Immigration ang mga insidente ng foreign minor aliens na nakaka secure ng kanilang mga fake foreign passports.

Ginawa ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pahayag kasunod ng pagkakahuli sa ilang mga Vietnamese children sa Ninoy Aquino International Airport .

Ang mga ito ay pakita ng mga pekeng documento kabilang na ang illegally-obtained German passports.

Aniya, ito ay maaaring maituring na isang uri ng human trafficking ng mga menor de edad para tuluyang makapasok sa mga bansang target nila.

Kaugnay nito, kaagad na inalerto ni Tansingco ang kanilang mga immigration officers upang mas lalo pang maghigpit sa pagbabantay sa mga paliparan at mga pantalan para masawata ang ganitong modus.