-- Advertisements --

Inatasan na ni Philippine National Police o PNP Chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.

Ito’y may kaugnayan sa nangyaring pamamaril sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao kung saan, biktima rito ang Alkalde ng bayan na si Lester Sinsuat at ikinasawi ng kasama nitong Pulis noong Enero a-2.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo, nasa 10  na ang naarestong mga suspek sa insidente at nasampahan na sila ng kaukulang kaso gaya ng murder gayundin ay illegal possession of firearms.

Habang may isang nakatakas na ngayon ay tinutugis pa rin ng PNP. Pero nilinaw ni Fajardo na hindi ito pananambang kung hindi isang insidente ng pamamaril habang may gumugulong na pag-uusap sa pagitan ng pamilya para ayusin ang gusot sa pagitan nito.

Kasunod nito, tiniyak ng pamunuan ng PNP na walang mangyayaring whitewash sa kaso at itinanggi rin nito ang lumulutang na mga imporasyon na may special treatment na ibinibigay dito.

Maliban sa mga sangkot, kinasuhan din ng obstruction of justice ang mga Pulis matapos silang malusutan ng isa sa mga responsable sa krimen.

Ayon naman sa pamilya Sinsuat, ang pagtangkang asasination kay Mayor Lester Sinsuat ay pinag planuhan.

Dalangin ng Pamilya Sinsuat na mahuli na ang mastermind ng asasination kay Mayor Lester Sinsuat.