Malinaw na hindi aksidente at misunderstanding ang bayolenteng mga aksiyon ng China sa Ayungin shoal noong Hunyo 17 ayon yan sa US maritime security expert na si Ray Powell.
Tinawag din ito ng dating US Air Force officer na unfortunate words.
Bagamat ang ideya aniya sa likod ng paggamit ng naturang mga termino ay para mapahupa o made-escalate ang sitwasyon sa West Philippine Sea, kailangan pa rin aniya na maging maingat kapag isinasaalang-alang ang de-escalation upang hindi mahulog sa bitag.
Aniya, maaaring sundutin ng China ang de-escalation na ito bilang pagkakataon para muling igiit ang pabor sa kanila tulad ng ginawa nito pagkatapos ng standoff noong 2012 nang sakupin nito ang Scarborough Shoal na tinatawag ding Panatag Shoal at Bajo de Masinloc.
Sinabi din ni Powell na maaaring baguhin kung iniiwasang tawagin ito bilang isang armadong pag-atake pero hindi ito matatawag na isang aksidente lang.
Ginawa ng US maritime security expert ang pahayag matapos sabihin ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na siya ring tumatayong chairman ng National Maritime Council, na ang mas agresibong aksiyon ng Chinese forces laban sa tropa ng PH para harangin ang resupply mission sa Ayungin noong nakalipas na Lunes ay marahil isang hindi pagkakaunawaan o isang aksidente. Sinabi din ni Exec. Sec. Bersamin na hindi pa aniya maiuuri ito bilang isang armadong pag-atake.