Hindi maituturing na armed attack ang insidente nuong June 17 sa West Philippine Sea kung saan ipinakita ng China Coast Guard ang kanilang delikado at agresibong aksiyon laban sa mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsasagawa ng rotation and resupply mission.
Sa isang panayam sinabi ni National Security Adviser Secretary Eduardo Ano, na ang ipinakita ng China Coast Guard ay paggamit ng kalabisang pwersa.
Paliwanag pa ni Secretary Ano, na kahit sa ilallim ng Article 15 ng UN Charter at maging sa Mutual Defense Treatyy hindi ito mahuhulog sa depenisyon ng armed attack.
Subalit, dagdag pa ni Ano, ang ginawa ng Peoples Republic of China ay lumabag sa napakaraming international at domestic laws gaya na lamang ng paggamit ng illegal force, violation of Convention on Collision at sea, Solas, International convention on safety of life at sea.
Binigyang-diin ng kalihim na dapat magpakita ng self restraint at palagiang isaisip ang paggamit ng mapayapang paraan para ayusin ang anumang hindi pagkaka intindihan.
Samantala, walang nakikitang dahilan si Ano para mag convene ang national security council hinggil sa Ayungin shoal incident.
Sa kasaluakuyan, maayos na ma-manage ng national maritime council ang sitwasyon sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Ano na sa ngayon hindi nito inirekumenda ang pagconvene ng konseho.
Subalit ang Pangulo ay mayruong diskresyon kung nais nitong magkaroon ng full council meeting.