Ikinasa ngayong araw ng Department of Trade and Industry ang kanilang pag-iinspeksiyon sa mga pangunahing produkto na mabibili ng mga Pilipinong konsyumer.
Kung saan, personal na nagtungo si Secretary Cristina Roque sa isang supermarket na matatagpuan sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon.
Sa naging pag-iikot ng naturang kalihim, kanyang masusing nilibot ang pinuntahang pamilihan sa mga nakalagay nitong presyo sa mga produktong mahalaga sa araw-araw na pamumuhay ng publiko.
Samanatala, sa kanyang pagtingin sa mga produkto ay sinadya naman nitong huminto sa partikular na section kung saan makabibili ng ilang mga klasi ng tinapay tulad ng pandesal at tasty bread.
Ayon kasi kay Secretary Cristina Roque, kamakailan lamang ay mayroon silang inaprubahang bagong Suggested Retail Price (SRP) sa mga produktong tinapay.
Nang ito’y tingnan ng kalihim, natuklasan niyang hindi pa nasusunod ang bagong taas presyo na itinalaga ng naturang kagawaran.
Ayon sa kanya, inaasahan nila na makikita at mararamdaman na ang price increase sa mga ganitong uri ng produkto ngunit ito’y tila hindi pa ipinatutupad sa piling merkado.
‘As of today, wala pa silang price increase kasi they’re actually also cooperating with us eh. Actually ayaw talaga natin magka-price increase so for as long as they can still hold of anyway sinusuportahan din natin sila in other ways,’ bahagi ng pahayag ni Secretary Cristina Roque ng Department of Trade and Industry (DTI)
Kaya naman ikinalugod ito ng kalihim dahil aniya, pabor ito sa mga kunsyumer na umaasa sa mas mababang presyo ng mga mabibiling pandesal at iba pang tinapay.
‘Hanngang kaya noh, tehy want to give the consumers also yung mababang presyo kasi alam rin nila yung kaialngan atsaka needs ng mga consumers din,’ ani Secretary Cristina Roque kasalukuyang kalihim ng DTI.