-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi na mauulit pa ang nangyaring inspection sa hub ng Commission on Elections (Comelec) sa Baguio City.

Ito’y kasunod ng kaliwa’t kanang batikos na ipinukol kay sa regional director ng PNP Cordillera na si B/Gen. Israel Ephraim Dickson.

Ayon sa PNP hindi sinasadya at walang intensyon ang Police Regional Office na inspeksyunin ang warehouse ng vote counting machines sa Baguio City.

Paliwanag ni spokesperson Col. Bernard Banac, posibleng nagkulang sa komunikasyon ang pulisya sa Comelec-Baguio kaya pati ang tanggapan nito ay kanilang napasok.

Iginiit din nito na nasa gitna ng area monitoring ang regional office kaugnay ng deployment ng mga pulis nang mangyari ang insidente.

“The PNP will look into this and determine if there will be repercussions. But as far as the incident is concerned, we ensure tjat this will not happen again and there will be proper communication”, pahayag ni Col. Banac.

Dagdag ng tagapagsalita, bilang deputized agencies ng Comelec ngayong halalan, susundin nila ang umiiral na resolusyon ng poll body at lahat ng mga polisiya nito.

Magugunita na mismong si Comelec commissioner Rowena Guanzon ang bumatikos sa ginawang pagpasok ni Dickson sa nasabing warehouse.