-- Advertisements --
thurman
WBA “Super” welterweight champion Keith “One Tim” Thurman

Tinawag ng American undefeated WBA “Super” welterweight champion na si Keith “One Time” Thurman (29-0, 22KOs) ang sarili bilang susunod na boxing legend.

Ang muling pagyayabang ni Thurman ay kung talunin daw niya si WBA “regular” champion Manny “Pacman” Pacquiao (61-7-2) sa kanilang pagtutuos sa darating na Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ayon kay Thurman, maliit pa siya ay ambisyon na niya na maging legend sa boxing.

Para sa kanya dalawang bagay umano ang paraan para maging legend sa sports.

Una ang gumawa ng sariling legacy sa buong career o kaya talunin ang isang boxing legend.

Giit pa ni Thurman, 30, binigyan daw siya ng malaking pagkakataon na harapin ang isang world boxing icon, kaya hindi na niya pakakawalan pa ang tiyansang ito na umukit din ng sariling kasaysayan.

“I’ve always wanted to become a legend in the sport,” ani Thurman sa isang interview. “I have an opportunity right now to create my own legacy by defeating Manny ‘Pac Man’ Pacquiao.”

May ilan na ring sikat na pangalan na tinalo si Thurman tulad nina Danny Garcia at Shawn Porter.

Pacquiao US
WBA “regular” champion Manny “Pacman” Pacquiao

Pero hindi pa niya nakaharap ang boksingero na ibang lebel at kalidad tulad ni Pacquiao, 40, na nagbulsa na ng 12 world titles at tanging boksingero na eight-division champion.

Kung maaalala ilan sa mga nakaharap ng pambansang kamao sa loob ng 24 na taon na professional career ay mga bigatin at mga boxing legends din na kinabibilangan nina Floyd Mayweather, Juan Manuel Marquez, Miguel Cotto, Oscar De La Hoya, Ricky Hatton, Sugar Shane Mosley, Eric Morales, Marco Antonio Barrera at iba pang dating mga world champions.