-- Advertisements --
image 291

Sa pagkilala sa mga tagumpay ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nananawagan si Senador Sonny Angara para sa institusyonalisasyon ng programa na nakatulong sa mga mahihirap na Pilipino na nangangailangan sa panahong ito.

Sa paghahain ng Senate Bill 2032, inihayag ni Angara na mayroon pa ring malaking bilang ng mga Pilipinong nabubuhay sa kahirapan, na ang mga pamilyang kabilang sa pinakamababang kita ay kumikita lamang ng P9,416 kada buwan o P113,000 taun-taon.

Nagbibigay ang AICS ng agaran at pansamantalang tulong sa mga indibidwal at pamilya sa mga crisis situation tulad ng mga natural disasters at medical emergencies.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang bawat kwalipikadong benepisyaryo ng AICS ay dapat makatanggap ng pinansyal, medikal, transportasyon, pagkain, materyal na tulong at iba pang tulong, kabilang ang mga disability support services, psychosocial support o intervention para sa mga pamilyang may kapansanan at kanilang mga anak na nangangailangan ng trauma care and management at legal consultation.

Top